REALiZATiON.
Wednesday, November 12, 2008
Labing-anim na taon at labing-dalawang araw na akong nabubuhay ngunit, ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Yun bang parang ang saya saya ko pero hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit. Well, alam naman nating palagi akong namimis-interpret ng mga tao at hinihusgahan ako ng ibang tao agad-agad. Hindi ko din maipaliwanag kung bakit ako masaya at kontentado sa kung anong nangyayari sa akin ngayon.
Magaan pa rin pala sa pakiramdam kung alam mong hinuhusgahan ka ng ibang tao, tapos, hindi mo sila pinapansin. Yun bang I-don't-give-a-DAMN drama. Kasi, kahit ano mang maging panghuhusga nila sa akin at sa pagkatao ko, hinding hindi nila ako mapapataob! Kilalang kilala ko ang sarili ko at si Lord lang ang pwedeng humusga sa akin. Kahit man kung anu-anong paninirang gawin nila sa akin, hindi ako magpapaapekto, kasi hindi naman yun totoo.
Masaya pa rin ako sa kabila ng lahat ng mga bagay-bagay at mga maling akusasyon nila sa akin dahil:
1. Andiyan si Lord.
He is loving! And alam ko na sa kabila ng lahat ng mga nararanasan ko, hinding hindi niya ako tatalikuran. Hindi niya ako iiwan sa ere at higit sa lahat mahal niya ako! Oo, mahal na mahal niya ako. :)
2. Andiyan si Mama.
Siya ang number one na nakakaunawa sa akin. She knows the reasons behind my actions. Siya kasi ang bespren ko, lahat alam niya tungkol sa akin, at higit sa lahat, siya na ang nagpalaki sa akin. At nagpapasalamat ako kay Papa God na binigyan niya ako ng Mom na katulad niya,
3. Andiyan ang mga TRUE FRiENDS.
Oo, TRUE. Mga kaibigan na hindi ako tinalikuran at tanggap kung sino talaga ako. Sila kasi ang kinekwentuhan ko ng mga nangyayari sa akin. Sila yung mga kasakasama ko palagi at yung mga taong umiintindi sa akin.
4. Andiyan ang mga relatives ko.
They are there. At alam kong naniniwala sila sa akin.
Sa tinagal-tagal ko nang naranasan ang ganitong problem, ngayon ko lang naramdaman yung happiness despite the criticisms. Ironic noh? Pero, totoo, kasi, kahit man limang bilyong mga paratang at mga akusasyon ang ibato sa akin, hinding hindi ako magpapaapekto, kasi, alam kong hindi totoo ang mga yon! Dapat nga, maging thankful ako kasi napapansin nila ako at maraming salamt din kasi, mas lalo nila akong pinapalakas! Nalalaman ko kasi kung saan ako mahina at kung alin ang dapat kong baguhin sa sarili ko.
Minsan nga, naisip ko, bakit ko naman babaguhin ang sarili ko, e AKO naman ito! At wala silang pakealam kasi, AKO nga ito diba. Sabi nga sa kanta, "This is real, this is me, I'm exactly where I'm supposed to be." Diba? kaya, wala silang pakealam kung ano mang gagawin, kung ano mang sasabihin ko at hindi ako matatakot sa kung ano mang sasabihin nila against sa akin as long as alam kong tama naman ako sa side ko.
Masarap sin palang mahusgahan ka lalong lalo na kapag napapatunayan mo sa mga taong humuhusga sa'yo na mali yung inaakala nila kasi, wala silang magawa kundi kainin yung mga sinabi nila about sa'yo at about sa pagkatao mo. At yun ang paptunayan ko sakanila. Na hindi ako yung taong iniisip nila, na hindi ko kayang gawin yung mga ipinaparatang nila sa akin, na patas ako kung lumaban, na hindi ako gumagamit ng ibang tao para makamit ang gusto kong makamit, na lahat ng nasa mga kamay ko ay pinaghirapan ko, na MALI sila. Maling mali. Hindi kasi nila ako kilala kaya madali nila akong nahuhushagan.
Balang araw, malalaman rin nila na mali sila, papatunayan ko sa kanila na MALI sila, at alam ko, tutulungan ako ni Lord. Amen! :)