BAD. X(
Monday, March 16, 2009
Palapit na ng palapit ang graduation. Tsk. Mixed emotions to. Kinakabahan ako. Natutuwa. Nababadtrip. Ewan ko ba. Reasons?
Ito na:
1. Kinakabahan ako kasi bukas na YATA malalaman ang honors. OMGosh! Ano kayang rank ko? Aabot ba ako? Kung oo, e ano ako? Tao ako, alam ko, pero, gusto ko na malaman rank ko. RANK. RANK. RANK. RANK. Tsk. Ipapagdasal natin yan Ces, kayang kaya yan! Kahit ano, keri lang. Isusurrender ko na lahat kay Lord! Amen!
2. Natutuwa. Bakit? Kasi, ansayang magbonding kasama ng SDHF(Super Duper Hyper Friends). As in! Todo saya! Productive bonding kami pag nagbabasa ng book. :) At dahil wala pa akong binabasang libro kasi hindi pa binibigay ni Jamie yung Breaking Dawn, dinala ko book ni Mama. Binasa ko, natuwa ako, kasi, naintriga mga classmates ko. :) Tapos, super natutuwa ako kasi, na-amaze (ahah. Yes naman!)sila kay Mama. Nagmana daw ako sakanya. E oo naman. :)) (Kapal ko! Ahaha!) So yun. Siyempre, hindi pa din nawala yung kwentuhan namin. Yes. :)
3. Badtrip? Tsk. Si Cocco kasi. Oo. Si Cocco. Nakakabadtrip. Well, okay naman kami nung una. Ewan ko ba, binadtrip ako. At kamusta namang pati sila Zel e isinasali?! Pati sila sinasabihan niya na badtripin ako! Tsk. E buti na lang at hindi naman nila sinunod yang si Cocco. That's what friends are for. Nakanaman! pag ito inulit pa niya, ewan ko na lang. So, as of now, deadma ever kami. Pati sa text. Deadmaaaaaaaaaaaaa!
Rude Awakening: Maaaring bukas ko/namin malaman ang honors. Natatakot ako. Pero kahit naman daw ano, okay lang kay Mama. Pray lang ako dapat. Pero, ayaw ko pa mag-graduate. I will miss my SDHF. :( At isa pa, kailangan ko nang fill outan ang UP FORMS. ASAP! Imamail pa kasi sa OUR (Office of the University Registrar) And yes, MAGCOCOLLEGE NA AKO! Totoo na to!! :( aww.