Daddy, you can let go...
Monday, November 16, 2009
Narinig ko pa lang yung backgroud music, kinilabutan na ako. Nakakaiyak.
Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko. Na-realize ko, kahit pala gaano kahirap yung pinagdaanan namin with papa, mamimiss ko pa rin siya ng ganito. Haay. Kung naging mapagpasensya at mabuti siyang tatay, edi sana, hindi ko nararamdaman itong emptiness na nararamdaman ko. :( I feel so empty. Ang hirap pala. Nung una, sinasabi ko sa sarili ko, mas mabuting naghiwalay na sila ni mama. Tama ako dun. Pero, kahit papano, may mamimiss pa din pala ako sakanya.
Alam ko, mabuti naman siyang papa eh. Pero ewan ko. Bakit kaya nag-end up na ganito kami ngayon? Bakit kaya nangyari yung mga nangyari noon? Ang hirap. Ayaw ko nang alalahanin. Naiiyak talaga ako. Haay.
Feeling ko, naging malaki yung effect ng pagkahiwalay or pagkawala ni papa sa akin. Siguro ito na yung pakikitungo ko sa opposite sex? Ewan ko. Hindi ko na din kasi masyadong gustong mapalapit sa mga lalaki. Nakaapekto din yung mga nangyari sa ugaling meron ako ngayon. Pero, isa lang ang alam ko for sure. Mas naging strong ang family ko. Although alam kong may kulang, pero, pinupunan naman ng bawat isa yung pagkukulang na yun.
Argh. Ang layo ko na sa topic. Okay okay. Balik sa topic.
Ayun, namimiss ko nga si papa. Totoo. Magkikita pa din naman siguro kami. Bahala na si Lord. Pero, sana, when that time comes, okay na ako. Okay na kami. Sana, by that time, handa na kaming makita siya. Pero, baka hanggang "KITA" na lang. Tama na. Enough na. Haay. Di ko na pahahabain tong blog na to. Yun lang.